-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nasa Syria na iwasang makilahok sa anumang pagkilos.
Kasunod ito sa ginawang pag-agaw ng mga rebeldeng grupo sa gobyerno ng Syria.
Ayon sa advisory ng DFA na marapat na iwasan ng mga Pinoy na makisawsaw sa nasabing kaguluhan at palagiang makinig sa mga paanyaya ng gobyerno para maiwasan ang anumang aksidente.
Magugunitang lumayas sa Syria si President Bashar al-Assad kasama ang pamilya nito at sila ay nagtungo sa Russia matapos na kontrolin ng Islamist Hayat Tahrir al-Sham (HTS) group ang malaking bahagi ng Syria.