-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 22 18 04 26
DFA

Pinaalalahanan Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nagtutungo sa Hong Kong na iwasan ang international airport doon dahil sa apektado pa rin ito ng kilos protesta.

Sa inilabas na kalatas ng DFA, na ang mga Filipino na wala namang importanteng lakad sa lugar ay iwasan muna pansamantala ang Hong Kong International Airport.

Pinayuhan din nila ng mga Filipino na dapat makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang airline companies limang oras bago ang kanilang biyahe para matiyak na tuloy ang kanilang scheduled flights.

Patuloy din ang kanilang panawagan sa mga Filipino doon na huwag makibahagi sa mga nagaganap na kilos protesta.