-- Advertisements --
Walo pang mga Pilipino sa ibayong data ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat pa sa 13,905 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na kinapitan ng deadly virus.
Lumobo rin sa 8,893 ang bilang ng total recoveries matapos gumaling sa naturang sakit ang 29 na mga Pilipinong pasyente.
Nananatili naman sa 945 ang death toll.
Sa kasalukuyan, nasa 4,067 Pinoy patients pa ang nagpapagaling sa iba’t ibang pagamutan sa buong mundo.