-- Advertisements --
Maghahain muli ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China.
Kasunod ito ng pangha-harass ng CCG sa mga barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, malinaw na legal at may karapatan ang Pilipinas sa Scarborough Shoal kaya hindi umano maintindihan kung bakit paulit-ulit itong ginagawa ng higanteng bansa.
Giit ng opisyal, mananatili ang stand ng Pilipinas sa nasabing bahagi ng karagatan, kahit anuman ang sabihin ng Beijing.
Inaasahang magkikita sina Sec. Manalo at Chinese Ambassador Huang Xilian upang iparating ang posisyon ng bansa kaugnay sa mga insidente ng pambu-bully.