Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs na hindi maaaring ipagbili sa mga foreign nationals ang pasaporte ng Pilipinas.
Kasabay nito ay ang patuloy na pakikipagtulungan ng DFA sa iba pang sangay ng pamahalaan upang maimbestigahan ang mga foreign nationals na umano’y naghahawak ng mga Philippine Passport.
Ayon sa ahensya, ito ang kanilang tinalakay sa naging pagpupulong ng Inter-Agency Committee Passport Irregularities.
Layon nito na pag-usapan ang mga gagawing hakbang upang masugpo ang mga nangyayaring iregularidad sa pasaporte.
Binigyang diin rin ni DFA Usec. Jesus Domingo na kinakailangan ng mas pinagtibay na koordinasyon ng mga kasaping ahensya para makabuo ng mga mekanismo sa agarang pag beripika at crossmatching ng mga kinakailangang impormasyon.
Ito aniya ay posible rin sa pamamagitan ng paglalabas ng isang memorandum of agreement.