-- Advertisements --

Muling tiniyak ng Department of Foreign Affairs ang pagtulong ng kanilang ahensya sa kaso ni Mary Jane Veloso sa Indonesia.

Sa isang statement, sinabi ng patuloy ang gobyerno ng Pilipinas sa pagbibigay ng libreng legal, consular at welfare assistance kay Veloso habang inaapela ang clemency para sa kanya.

Kaugnay nito ay nakikipag-ugnayan rin ang kanilang ahensya sa Department of Justice.

Ito’y upang i follow up ang mga kaso na inihain laban sa mga recruiter ni Veloso.

Ayon sa DFA , tuloy-tuloy ang pagtutok ni Philippine Foreign Minister Enrique Manalo sa apela ng kampo ni Veloso para sa clemency nito sa kanyang Indonesian counterpart sa Indonesia.

Kung maaalala, nagpahayag ng pag-asa ng PBBM sa posibilidad na mabigyan ng clemency si Veloso na nahatulan ng parusang kamatayan sa naturang bansa.

Taong 2010 ng naaresto si Veloso sa Indonesia matapos itong makuhaan ng 2.6 kilograms ng heroin.