-- Advertisements --
Nabigyan ng mga care packages mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 29 na Filipinos na na-stranded sa karagatang sakop ng China.
Ayon sa DFA na ang care package ay kinabibilangan ng pagkain, damit at mga hygiene kits na kailangan ng mga mangingisda.
Sinabi naman ni DFA Assitant Secretary Enrico Fos na nakikipag-ugnayan na sila sa Foreign Service Post sa China para makauwi na ang mga stranded na mangingisda.
Inaayos na rin ng may-ari ng bangka na nakabasi sa Taiwan ang pagpapauwi sa mga mangingisda.
Tiniyak ng DFA na patuloy silang makikipag-ugnayan sa China ukol sa nasabing usapin.