Patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang estado ng mga Pilipinong nagta-trabaho at naninirahan sa Tripoli, Libya.
Ito’y kasunod ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at Libyan National Army na pinamumunuan ni Field Marshal Khalifa Haftar.
Batay sa advisory ng DFA, pinayuhan nito ang mga Pinoy na nasa 100-kilometer radius ng Tripoli na manatiling vigilante sa bawat ng nangyayaring gulo.
Pinagsabihan din ng kagawaran ang mga Pilipinong nagbabakasyon at pabalik ng Tripoli na ikansela muna ang kanilang mga biyahe hangga’t hindi pa humuhupa ang tensyon.
Binigyang diin ng DFA ang paalala ng Philippine Embassy sa mga Pinoy na manatili sa loob ng kanilang mga tinitirhan at umiwas sa ano mang public gatherings.
Nag-abiso na rin daw ang embahada hinggil sa pag-iimbak ng pagkain, tubig at iba bang basic necessity.Para naman sa mga nais ng umuwi ng bansa, ayon sa DFA, kailangan lang kumontact ng mga Pinoy sa embahada para sa agarang areglo.