-- Advertisements --

Nagbabala sa publiko ang Department of Foreign Affairs hinggil sa pinalutang na naratibo ng China kaugnay sa umano’y pinapalutang nito na new model agreement sa Ayungin shoal.

May kaugnayan pa rin ito sa inihayag ng Chinese Embassy in Manila na maglalabas umano sila ng transcript at recording ng phone call conversation sa pagitan ng isang Chinese diplomat at AFP Western Command commander Vice Admiral Alberto Carlos.

Sa isang statement, sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang mga hakbang na ito ng China ay pawang mga taktika lamang ng nasabing bansa na layuning magsimula ng alitan at kalituhan sa pagitan ng mga gobyerno at ng mga Pilipinas.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Daza na dapat ay mahigpit na sumusunod sa 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations ang lahat ng mga diplomats sa alinmang bansa na nagmamandato sa mga ito na irespeto ang batas at regulasyon ng isang bansa.

Habang ipinunto rin niya na trabaho ng mga diplomats na hindi mangialam sa internal affairs ng isang bansa.