Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na huwag gamitin ang tourist visa para magtrabaho sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon pa kay DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega, na huwag magpapaloko sa mga recruiter na mag-aalok na maaaring ma-convert ang tourist visa sa working visa.
Ginawa ng DFA ang naturang pahayag matapos na nasa walong mga Pilipino ang naging biktima ng human trafficking sa Myanmar.
Dumating ang mga ito sa Pilipinas mula sa Myanmar nito lamang umaga ng Lunes kung saan apat sa mga biktima ay nagtrabaho bilang online scammers sa cryto currency farms na nasagip ng mga awtoridad sa Myanmar at ng Embahada ng Pilipinas sa Yangon.
Ayon sa DFA official, nangyayari ang human trafficking hindi lamang sa Myanmar kundi maging sa Laos at Cambodia.
Una rito, napag-alaman an ang mga Pilipino ay na-recruit para magpanggap bilang turista sa Thailand saka iligal na dinala sa Mynamar para magtrabaho bilang online scammers.
Ibinunyag din ng mga biktima na sila ay inabuso at pinagbantaan kapag sila ay tumangging sundin ang ipinapagawa sa kanila.