Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul laban sa mga nag-aalok ng pekeng visa sa mga turistang bibisita ng South Korea.
Batay sa advisory na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), partikular na pinuna ng ahensya ang mga advertisement sa Facebook.
Nabatid daw kasi ng Embahada na nangangako ang mga ito ng visa para makapag-trabaho at manirahan ng ligal sa South Korea ang sino mang maga-apply.
Nilinaw ng DFA na libre o hindi kaya’y may attorney’s fee ang naturang serbisyo.
Pero iginiit ng ahensya na hindi tumatanggap ang Korea Immigration Service (KIS) ng visa application sa mga irregular at undocumented migrants.
“Members of the Filipino community are encouraged to advise kababayans not to entertain these schemes, nor spread these in social media,” ayon sa DFA.
“Please note that there is no such service allowed by Korean authorities.”