-- Advertisements --

Nagsampa na ng kaso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga responsable sa pagpatay at pang-aabuso sa isang Filipina maid sa Kuwait.

Bagamat hindi na binanggit ng DFA ang ilang detalye ay isa itong paraan para makakuha ng hustisya ang biktimang si Constancia Lago Dayag.

Inaasahan na maiuuwi na sa bansa ang bangkay ng 47-anyos na Pinay ngayong Linggo.

Pinapabilis na rin ng DFA ang pagpapalabas ng resulta ng forensic report.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring natutukoy ang Philippine embassy na suspek sa nasabing pamamaslang.