Kumambiyo si DFA Sec. Teddy Locsin Jr. at naghain na rin ng diplomatic protest laban sa China.
Una rito, binaliwala lamang ni Locsin ang napaulat na bagong batas sa China na nag-uutos sa Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea.
Sinabi pa ng kalihim kamakailan bilang reaksiyon sa isang senadora, wala raw pakialam ang Pilipinas kung anuman ang batas na ipasa ng China.
Pero inamin ni Sec. Locsin na nagbago na siya matapos na mapag-isip-isip na ang implikasyon ng hakbang ng China ay mistulang banta sa giyera sa sinumang bansa lalo na at malapit ang Pilipinas at isa claimants sa ilang bahagi ng South China Sea.
Ayon pa kay Locsin kung hindi umano kukuwestyunin ang kontrobersiyal na polisiya ng China magmumukhang natatakot ang mga kalapit na bansa.
“After reflection I fired a diplomatic protest. While enacting law is a sovereign prerogative, this one—given the area involved or for that matter the open South China Sea—is a verbal threat of war to any country that defies the law; which, if unchallenged, is submission to it,” ani Locsin sa kanyang Twitter message.