-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs sa mga naulilang pamilya ng ilang Pilipinong nasawi sa malagim na trahedyang naganap sa isang community street festival sa Vancouver, Canada.

Isang sasakyan kasi ang walang habas na sinagasaan ang mga taong lumahok sa Lapu Lapu Day Block Party .

Samantala , naihatid na rin ng ahensya katuwang ang Philippine Consulate General sa Vancouver ang kaukulang tulong para sa mga namatayang pamilya.

Patuloy rin ang pakikipag coordinate ng DFA sa mga otoridad sa Canada para matiyak ang maayos na suporta sa lahat ng Filipino community doon.

Hindi naman bababa sa 11 na katao ang naiulat na nasawi sa insidente habang marami rin ang naitalang sugatan.

Ang suspect na isang 30 anyos na lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad.