-- Advertisements --
Pumalo na sa 15,850 ang kabuuang bilang ng mga Filipino mula sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 761 ang bagong naitala na nadapuan ng virus.
Ito na ang pinakamalaking kaso na naitala sa isang araw.
Sa nasabing bilang ay mayroong 5,274 ang aktibo, 9,536 ang gumaling na.
Aabot naman sa 1,040 ang mga nasawi na mga Filipino mula sa ibang bansa.
Tiniyak ng DFA na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bansa kung saan mayroong mga Filipino.