-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na maghain ng protesta na idaan sa mga diplomatic channels.

Ito ay matapos ang pahayag ng China na ang Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay bahagi aniya ng kanilang teritoryo.

Desisyon aniya ito ng kalihim matapos ang makailang ulit na pag-aangkin ng China sa nasabing lugar.

Magugunitang naghain na ang bansa ng diplomatic protest matapos na mamataan ang mahigit 200 na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Pagtatanggol naman ng China na nandoon lamang ang mga barkong pangisda ng China dahil sa nagpapalipas lamang ang ito ng sama ng panahon.