-- Advertisements --

Nakabantay ang embahada ng Pilipinas sa Paris ukol sa development sa sunog na nangyari sa Notre Dame Cathedral doon.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mino-monitor nila ang sitwasyon sa sunog sa naturang iconic na cathedral.

“The Philippine Embassy in Paris is checking with authorities if there are any victims due to the incident,” dagdag pa ng DFA.

Sinabi ng kagawaran na ayon sa mga reports mula sa France, nangyari ang sund pagkatapos ng visiting hours.

Ang insidenteng ito ay posibleng dulot ng renovations na ginagawa sa simabahan.