-- Advertisements --

Tiniyak naman ng DFA na nakahanda itong magbigay ng kaukulang tulong kabilang na ang legal assistance kung kinakailangan para maprotektahan ang karapaatn at matiyak na mabigyan ng due process at patas na paglilitis ang apat na Filipino seaferers.

Ito ay matapos ang insidente kung saan inaresto ang apat na Filipino seaferers sa bansang Australia dahil sa pag-aangkat umano ng “commercial quantity border controlled drugs” ayon sa Department of foreign Affairs (DFA).

Nakumpiska ng Australian Federal Police ang 416 kilos ng cocaine na may street value na AUD166 million o katumbas ng PHP6.4 billion mula sa apat na itinuturong na pinakamalaking halaga ng iligal na droga na nasabat sa South Australia.

Kasalukuyang minomonitor ngayon ng Philippine authoities abf kalagayan ng apat na Filipino seaferers ng US-flagged Safe Bulkers vessels Kypros Bravery sa Adelaide , South Australia.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Consulate General sa Melbourne sa mga Australian authorities hinggil sa naturang kaso.

Ayon sa DFA, nakausap ng kinatawan ng konsulada ang mga seaferers na nasa maayos na kalagayan at maayos naman ang pagtrato ng mga Australian authorities.

Nabigyan din ng mga abogado ang apat na Filipino seaferes ng humarap ang mga ito sa Port Adelaide Magistrates Court noong Abril 1.

Nakipagugnayan na rin ang POLO sa Canberra sa shipping o manning agency ng cargo vessel.