-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Singapore matapos na isang Filipino ang kumpirmadong nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay, naka-isolate na sa National Center for Infectious Diseas ang nasabing pasyente.
Hind na nagbigay pa ng ibang impormasyon ang DFA sa nasabing Filipino na nadapuan ng virus dahil sa umiiral na patakaran ng Singapore sa isyu ng “privacy at confidentiality.”
Patuloy din na binabantayan ng mga opisyal sa Singapore ang kalagayan ng nasabing Filipino.
Una nang napaulat na nasa 89 ang dinapuan ng deadly virus sa naturang bansa.