-- Advertisements --
image 303

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China na itigil ang “dangerous” at “destabilizing” na aksyon nito sa West Philippine Sea.

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Teresita Daza, naninindigan ang ahensya sa ulat ng Philippines Coast Guard, na kamakailan ay inakusahan ang isang Chinese security vessel ng paggamit ng military-grade laser laban sa isang Filipino patrol boat malapit sa Ayungin Shoal.

Kaya naman nananawagan ang departamento sa China na tigil na nito ang hindi delikadong action na ginagawa laban sa mga barko ng Pilipinas.

Kung matatandaan, pansamantalang nabulag ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard dahil sa laser-incident noong Pebrero 6 habang sinusuportahan nila ang rotation and resupply mission para sa mga marines na naka-talaga sa navy ship na naka-ground sa Ayungin Shoal.

Iginiit ni Chinese Foreign ministry spokesman Wang Wenbin na ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard ay nag-ooperate nang maayos.

Sinabi ni Wang na ang parehong bansa ay nakipag-ugnayan na sa pamamagitan ng isang hotline na naka-set up sa pagitan ng kani-kanilang mga foreign ministries upang talakayin ang mga maritime issues.

Kaugnay niyan, ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Huang Xilian ambassador para ipahayag ang seryosong alalahanin sa mga action ng China laban sa Philippine Coast Guard.

Una na rito, noong nakaraang Hunyo, tinutukan din ng laser ng isang Chinese security vessel ang bangka ng Philippine Coast Guard ng halos 20 minuto, na nagdulot din ng pansamantalang pagkabulag at pangangati ng balat sa mga tripulante ng naturang barko.