-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nas Ukraine na makipag-ugnayan sa mga foreign service offices ukol sa repatriation request.

Ayon sa DFA na mayroong nakahandang repatriaton program ang DFA sakaling tuluyang lusubin ng Russia ang Ukraine.

Nararapat na maging bukas ang linya ng mga Filipino sa Ukraine sa Philippine Embassy na nakabase sa Poland at maghintay ng mga updates at mga ligtas na panawagan.

Nasasakupan kasi ng Philippine Embassy sa Poland ang mga Ukraine.

Regular aniya ang ugnayan ng DFA sa mga Filipino community sa lugar para maityak ang mga kalagayan ng mga Filipino doon.