Hindi pa tamang oras para magpiyansa ang 2 inarestong Pilipino sa Japan na idinadawit sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones sa Tokyo ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)
Ipinaliwanag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nananatiling nasa pre-indictment detention ang 2 Pilipino at wala pang naisasampang kaso laban sa kanila.
Saad pa ng DFA official na sa Japan, ang mga indibidwal na inaresto ay walang kasamang abogado habang kinakastigo sila ng pulis at ipinapakita ang ebidensiya laban sa kanila at magiging basehan ang isinagawang imbestigasyon kung saan sa loob ng 10 araw o higit pa magpapasya ang police kung magsasampa o hindi ng kaso kayat sa ngayon ay hindi pa oras para sa piyansa.
Maalala, unang inaresto ang 2 Pilipino matapos na hindi umano inireport sa mga awtoridad ang pagkamatay ng mag-asawang Hapones na sina Norihiro at Kimie Takahashi kung saan nakuha sa CCTV footage ang 2 Pinoy na nasa lugar.
Ayon kay USec. De Vega, ang ikinasawi ng mag-asawang Haponesay multiple stabbing
Samantala, una ng itinanggi ng isa sa inaresto na pinay na si Hazel Ann Morales ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Nakatakda namang dalawin ng personnel mula sa Embahada ng PH sa Japan isa pang inarestong Pinoy ngayong araw.
Umapela naman ang DFA sa publiko na huwag paniwalaan ang anumang ispukalasyon sa 2 Pinoy na umamin na umano ang mga ito dahil walang inilalabas pa na opisyal na pahayag an gobyerno ng Japan na indicted na ang mga ito.