-- Advertisements --
Wala umanong binayaran ang Pilipinas sa paglaya ng mga dinukot na tatlong Filipino engineers sa Libya.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., ni isang sentimo ay hindi naglabas ang gobyerno para sa pagpapalaya sa mga dinukot na Pinoy.
Tinulungan aniya sila ng ilang kaalyadong bansa para pakiusapan ang mga armadong grupo sa Libya na responsable sa pandurukot.
Magugunitang pinalaya noong mga nakaraang araw ang tatlong Pinoy na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Libya noong nakaraang taon.