Mariing iginiit ng isang opsiyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang katotohanan ang alegasyon hinggil sa pre-shaded ballots na ibinigay sa mga Pilipinong botante sa ibang bansa.
Sa inquiry sa Senate electoral reforms and people’s participation committee, nilinaw ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na hindi totoo ang kumakalat sa social media na pre-shaded na ang mga balotang ipinamahagi sa mga overseas voters.
Subalit nagpaliwanag ito hinggil sa nangyaring insidente sa Singapore kung saan isang spoiled ballot ang naibigay sa isang botante dahil sa human error na nauna na ring kumpirma ng Philippine embassy sa Singapore.
Paliwanag ni Dulay na dalawang balota ang magkadikit ang naibigay sa isang botante na parehong nasulatan ng boto ng isang overseas voter na ikinokonsiderang spoiled ballot.
Ang spoiled ballot na ito ay naisama sa unused at valid ballots na aksidenteng naibigay naman sa sumunod na botante.
Subalit paglilinaw ng opisyal sa Senate panel na human error lamang ang nangyari.