-- Advertisements --

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Iran Ambassador Yousef Esmaeil Zadeh.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, kasama niyang nakipagkita sa Iran envoy si ASec. Mardomel Melicor.

Sa naturang pagpupulong, tiniyak ni Iran Ambassador Zadeh na mapapauwi ng ligtas sa lalong madaling panahon ang 4 na Pinoy seaferers sakay ng MSC Aries na binihag ng Iran forces.

Una ng sinabi ni USec. De Vega na binigyan ng pagkakataon ang 4 na Pilipinong seaferers na matawagan ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas para maipaalam ang kanilang kalagayan.

Inihayag naman ng DFA na regular silang magbibigay ng update kaugnay sa naturang usapin.