-- Advertisements --
image 331

Pinaplantsa na raw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng pagpapabot din ng tulong sa bansang Syria hinggil sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa bansang Turkey.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza, pinag-aaralan na ng kanilang tanggapn kung anong tulong ang maihahatid ng ating bansa sa Syrian government.

Dagdag pa ni Daza na nauna nang nagpadala ng 6-man team ang Embahada ng Pilipinas sa Damascus upang magpahaitd ng agarang tulong sa naturang bansa.

Samantala, batay sa pinakahuling datos mula sa DFA wala pang naitalang Pilipino mula sa Syria ang nasugatan o namatay sa naturang bansa.

Nakatakda namang bigyan ng tulong pinansyal ng DFA ang mga Pilipinong naapektuhan ng naturang lindol.