Nagpahayag ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gobyerno ng Qatar, Israel at Egypt para sa kanilang pagsisikap na nagdulot ng pagpapalaya sa isa pang Pilipino.
Pinasalamatan ng DFA ang Estado ng Qatar sa pamamagitan ng pag-uusap na humantong sa pagpapalaya kay Noralin Babadilla, na nasa bihag ng Hamas sa Gaza sa loob ng 53 araw.
Ang Qatar din ang nakipag-usap para sa naunang pagpapalaya sa isa pang Pilipinong bihag na si Jimmy Pacheco.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang DFA sa Estado ng Israel sa pagsang-ayon sa mga kundisyon na nagpadali sa pagpapalaya kay Babadilla.
Kinikilala din ng DFA ang suporta at partisipasyon ng Egypt pati na rin ang International Committee of the Red Cross at iba pang international organizations.
Matatandaan na kamakailan ay inihayag ni Pangulong Marcos ang pagpapalaya kay Babadilla, na dumating sa panahon ng paghinto sa pakikipaglaban na napagkasunduan ng Israel at Hamas.
Sa ngayon, 81 hostage ng Hamas ang pinakawalan mula sa humigit-kumulang 237 indibidwal na pinaniniwalaang dinukot sa awtoridad ng Palestinian.