Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil sa patuloy na presensiya ng mga Chinese ships sa Julian Felipe Reef.
Ito ang unang pagkakataon na ipinatawag si Xilian mula ng maupo sa puwesto.
Sa kalatas na inilabas ng DFA ipinahayag nila ang pagkadismaya sa iligal na presensiya ng mga Chinese vessels sa coral reef sa karagatang sakop ng Bataraza, Palawan.
Pinaalalahanan ni Foreign Affairs Undersecretary Elizabeth Buensuceso si Huang na ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan pa rin sa Philippine exclusive economic zone.
Ang pagkakaroon aniya ng presensiya ng mga Chinese vessels sa lugar ay magdudulot lalo ng tensiyon sa lugar.
Nagkasundo na rin ang China at Pilipinas na babaan ang tensiyon at mapayapang talakayin ang usapin.