-- Advertisements --
Pinayuhan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nasa Syria na lumikas na ito’y bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Syria.
Ayon sa tala ng ahensya nasa 703 na mga Pilipino ang nasa Syria at habang hindi pa aniya lubusan na naghihigpit ang naturang bansa ay hinihikayat ng ahensya ang mga Pilipino na magpunta sa Philippine embassy sa Damascus para sa mga kakailanganing tulong ng mga ito.
Ito raw ay upang maiwasan ang paglala ng karahasan at bilang ng mga posibleng masawi sa Syria.
Nakipag ugnayan narin ang DFA sa mga kinauukulang mga ahensya para sa kaligtasan ng mga Pilipino doon.
Patuloy naman minomonitor ng ahensya ang iba pang mga kaganapan sa Syria.