-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs-Office of Migration Affairs (DFA-OMA) ang mga Filipino na nasa South Korea na maging kalmado at sumunod sa mga advisories.

Kasunod ito sa ipinatupad na Martial Law ni South Korean President Yoon Suk Yeol na kalaunan ay binawi rin.

Nakasaad sa adivsory ng DFA-OMA na iwasan din ng mga Filipino ang lumabas kung hindi mahalaga ang gagawin at maging ang pagsali sa mga kilos protesta.

Ito na ang unang pagkakataon na inilagay sa martial law ang South Korea mula pa noong 1980.