-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa China si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr ngayong araw October 9 hanggang 10.

Hindi naman nito idinetalye ang pakay nito sa pagtungo sa China.

Sinabi naman ni Chinese foreign ministry spokesperson Hua Chunying na inimbitahan si Locsin ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.

Bibisita si Locsin sa Beijing kasama ang Indonesian Special Envoy Luhut Binsar Pandjaitan at Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif.