Personal na hinarap ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin, Jr. ang grupo ng mga nagkikilos protesta sa harapan ng DFA main office sa Pasay City.
Isinisigaw ng mga miyembro ng Migrante International, Bayan Muna at iba pang grupo ang anila’y negatibong posibleng maging epekto sa mga manggagawang Pinoy kapag nagpadala ang Pilipinas ng mga sundalo doon.
Maging ang pagtungo ni Environment Sec. Roy Cimatu ay pinupuna rin ng mga ito.
Nabatid na nagdaraos na ng programa ang mga militante nang dumating si Locsin.
Nilapitan pa ng kalihim ang nagsasalitang lider ng mga nagra-rally na si Arman Hernando ng Migrante.
Nagkasagutan sina Hernando at Locsin at umabot sa paghahamon ng DFA chief na bugbugin na lang siya ng mga militante.
Sa huli, wala namang sakitang naganap at pumasok na sa kaniyang tanggapan ang kalihim.