Hinimok ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang gobyerno na ikonsidera ang pagbili ng Russian-made COVID-19 vaccine Sputnik V.
Ang nasabing bakuna ay nasa 91.6 percent ang pagiging “safe at effective” nito.
Mas madali sa Pilipinas na bumili ng nasabing bakuna lalo pa’t malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin.
Nauna nang nagsagawa ng kanilang phase 3 trial ang Russian Covid-19 vaccine sa kanilang 20,000 participants at dito lumabas ang 91.6 percent na efficacy nito laban sa deadly virus.
Lumabas din sa mga pagsusuri na walang masyadong serious adverse effect ang nasabing bakuna.
Una nang inaprubahan ng Russia ang Sputnik V vaccine for emergency use at ito ang kauna-unahang bansa na nag-apruba sa nasabing bakuna.