-- Advertisements --

Todo pasalamat si DFA Sec. Teodoro Locsin sa outgoing ambassador ng Russia na si Igor Khovaev.

Si Igor ang tumatayo ring Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Russian Federation to the Philippinines kung saan magtatapos na ngayong buwan ang 5-year tour of duty bilang Russia’s top diplomat.

Una rito, nagsagawa ng farewell call ang Russian envoy kay Locsin sa DFA office sa Pasay City.

Kinilala naman ni Locsin na sa panahon ni Igor ay gumanda pa ang relasyon ng Pilipinas sa isang bansa na “non-traditional partner.”

Ilan sa maraming bilateral agreement ng dalawang bansa ang isyu sa ekonomiya, science and technology, nuclear energy, space sciences, nuclear medicine, defense cooperation at iba pa.

Kasama ni Locsin ang kanyang misis na si Maria Lourdes Locsin na hinarap ang Russian ambassador na kasama rin ang misis nito na si Maria Ilina.