-- Advertisements --

Kailangan na rin ngayon ng pamahalaan na magkaroon ng giyera kontra mga pedophiles, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa isang Twitter post, iginiit ni Locsin na talamak ang pedophile trade sa bansa, na mas nakakabahala aniya kumpara sa kalakaran ng iligal na droga.

Sinabi ng kalihim na ire-report daw niya ang umano’y “pedophile trade” sa bansa sa United Nations.

“But all over the country, as I will report to the UN, pedophile trade is rampant, worse than the drug trade because sicker. We need a war on pedophiles and in general men who like young women and little boys,” ani Locsin.

Ang pahayag na ito ni Locsin ay kanyang sagot sa tanong ng isang Twitter user patungkol sa human traffickers na umano’y nambibiktima ng mga batang Pilipinas.

“Hindi po ba mahuli huli yang mga human traffickers na yan? Ilang Filipina pa po ba ang mabibiktima bago mawala yang mga yan sa labas ng selda?,” saad ng naturang Twitter user.