Tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagsuporta ng Pilipinas sa kagustuhan ng Timor Leste na maging miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Unang dumating sa Pilipinas si Timor-Leste Minister for Foreign Affairs and Cooperation Bendito dos Santos Freitas noong Lunes, August 19 at nagtagal hanggang ngayong araw, Aug. 21.
Sa isang mensahe, ipinangako ni Manalo ang solidong suporta ng Pilipinas sa pagnanais ng Timor-Leste na makakuha ng full membership sa ASEAN.
Tutulong aniya ang pilipinas para makamit ito ng naturang bansa.
Nagpasalamat din si Manalo sa personal at kauna-unahang na pagbisita ng Foreign Affairs minister dito sa Pilipinas.
Maalalang unang nagkasundo ang mga miyembro ng ASEAN na tanggapin(in principle) ang membership ng Timor Leste, daan upang ito ay maging pang-11 miyembro ng regional bloc.
Binigyan din ng observer status ang naturang bansa at pinayagan itong makasali sa mga plenaryo at opisyal na pagpupulong ng mga ASEAN countries.
Maliban sa Pilipinas, una na ring nagpakita ng suporta ang Indonesia para sa membership ng Timor Leste.