-- Advertisements --
Muling iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr na tanging siya lamang ang may karapatan sa mga usapin ng international diplomacy.
Reaksyon ito ng kalihim ilang oras matapos na sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque Jr na ang Julian Felipe Reef ay hind na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Sinagot lamang ni Locsin ang naging pahayag din ni UP Law Professor Jay Batongbakal na kumokontra sa sinabi ni Roque.
Magugunitang makailang beses na naghain ang DFA ng diplomatic protest dahil sa pananatili ng mga barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.