-- Advertisements --

Umalma si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin sa pagsama ng gobyerno sa red list ang bansang Italy.

Nagtataka aniya ito dahil ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) na mayroong isa lamang kaso ng Omicron ang naitala sa Italy subalit ito ay pinalala ng Data Analytics Group ng IATF.

Dahil aniya sa pangyayari ay tila lumamig na ang relasyon nila sa nasabing bansa.

Hihilingin na lamang nito sa IATF na irekonsidera ang nasabing listahan at ibase na lamang ito sa siyensya.

“WHY IS ITALY ON THE RED LIST? On the basis of the WHO Report of November 28, 2021 that there is ONE SOLITARY case of infection, IATF’s Data Analytics Group extrapolated a surge. Our famously warm relations with Italy went down the drain. I want a reconsideration based on science,” ayon sa Twitter post ng kalihim.