-- Advertisements --

Hindi minamaliit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakaaresto sa isang Chinese national dahil sa pang-iispiya.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, na handa silang magbigay ng suporta sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, Armed Forces of the Philippines at ilang ahensiya ng gobyerno para sa nasabing pag-iimbestiga.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga ahensiya ng gobyerno para tuluyang masawata ang mga dayuhan na magsasagawa ng pang-iispiya.

Magugunitang naaresto ng mga otoridad ang Chinese na si Den Yuangqind at dalawang Pinoy na kasamahan nito dahil umano sa pang-iispiya.