Sinabihan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo si Chinese Foreign Minister Wang Yi na hindi banta ang presensiya ng US Missiles.
Sa isang forum sinabi ni Manalo, paano maging destabilizing ang presensiya ng mga missiles ay temporary lamang.
Ang pahayag ni Manalo ay kasunod sa naging statement ni Yi na nakakabahala ang missile system ng Amerika.
Ginawa ni Yi ang pahayag sa ginanap na sidelines ng bilateral talks ng ASEAN meetings sa Laos nuong Biyernes, August 16.
Kung maalala na diniploy ng US ang kanilang missile system sa Pilipinas nuong buwan ng Abril kasunod ng joint military exercises ng dalawang bansa.
Ito din ang kauna-unahan na nag-set up ang Amerika ng system sa Indo-Pacific region.
Ayon kay Wang ang deployment ng US intermediate-range missile system posibleng maging sanhi ng regional tensions.
Hindi naman ginamit sa joint drills ng Pilipinas at US ang Typhon missile system, Tomahawk land attack at SM-6 missiles.
Nuong nakaraang buwan nangako ang US ng $500 million funding para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
Sa ngayon lalong tumataas ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa territorial disputes sa West Philippine Sea.