Tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na nasa maayos na kalagayan ang mga kababayang Pilipino sa Estados Unidos bunsod sa nagpapatuloy na ‘mass deportation’ na ginagawa ngayon sa bansa.
Ayon kay Manalo, dahil sa reputasyon ng ahensya at ng bansa sa patuloy na pakikipagugnayan nila sa mga international leaders, magiging maayos naman at mananatiling ligtas ang mga pinoy sa US.
Binigyang diin niya ang mga malalaking kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nagtatrabaho sa mga health care facilities, banking, hotel services at management sa naturang bansa.
Samantala, pagtitiyak ni Manalo, bukas at handa namang tumulong agad ang embahada ng Pilipinas sa US kung sakaling may mangailangan ng tulong ng mga ito o assistance direkta sa pamahalaan ng bansa.
Matatandaan naman na 24 pilipino ang nauna nang pinadeport ng Estados Unidos dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga krimen kung saan inumpishan na ang pagproseso ng kanilang deportation noong administrasyon pa ni Biden.
Mananatili naman din aniya ang pakikipagalyansa ng bansa sa World Health Organization (WHO) bilang ito ang pangunahing prayoridad ng bansa at hindi din aniya ito magbabago.