-- Advertisements --
Sinimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalikas sa mga Filipino na nagtatrabaho sa Libya dahil sa patuloy na kaguluhan ito.
Ayon sa DFA na ang unang inilikas nila ay pitong Filipino kung saan tatlo dito ay nagtatrabaho sa ospital at apat ang estudyante na nasa capital ng Tripoli.
Sinabi naman ni Embassy Charge’ mayroon pang 13 iba pang Filipino ang humingi ng tulong para sila ay mapaalis sa Tunisia sa mga susunod na araw.
Sasagutin ng DFA ang gastos ng mga estudyanteng babalik sa bansa habang ipapaubaya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Base sa listahan ng DFA ay mayroong 1,000 Filipino sa Tripoli at 20 dito ang boluntaryong humiling na sila ay pabalikin.