-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bine-verify nito ang mga ulat na mga Filipino sailors ang sakay ng dalawang merchant vessels na tinutumbok ng mga Russian warships, unang araw mula ng inilunsad ni Vladimir Putin ang isang pag-atake sa Ukraine.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Menez, ang mga Filipino seafarers ang bumubuo sa karamihan ng mga foreign sailor sa buong mundo, na naglalantad sa kanila sa mga piracy attacks, sea disasters, at armed conflicts.

Ayon sa ulat, binato ng mga barkong pandigma ng Russia ang isang chemical tanker na may bandera ng Moldovan at isang barkong kargamento na may bandilang Panamanian dahil sa pagkarga ng butil malapit sa daungan ng Odessa sa Black Sea noong Biyernes.

Sa kabuuan, tatlong mga non-military vessels ang inatake mula nang magsimula ang pagsalakay ng Russia.

Noong Huwebes, ang Turkish-owned Yasa Jupiter cargo ship ay tinamaan sa Odessa base sa report.

Sa Ukraine, tinutulungan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz ang 37 Filipino sa Lviv matapos maglakbay buong araw mula Kyiv hanggang Ukranian western city, sabi ni DFA Assistant Secretary Sarah Arriola.

Nauna nang sinabi ni DFA Secretary Teodoro Locsin na maglalakbay siya sa Ukraine border kasama ang Poland upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong tumatakas sa pag-atake ng mga Russian forces.

Mayroong 380 Pilipino sa Ukraine, karamihan ay nakatira sa kabisera ng Kyiv, ngunit 181 lamang ang accounted.