-- Advertisements --

Magsasagawa ng pagsisiyasat ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa anumang ulat ng iligal at labag sa batas na mga aktibidad ng diplomatic officials sa Pilipinas at gagawa ng kaukulang mga aksiyon alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

Ito ay tiniyak ng DFA sa isang statement kasunod ng panawagan ni Defense Sec. Gilbert Teodoro sa DFA na imbestigahan ang phone recording sa pagitan ng Chinese diplomat at AFP-Western Command chief kaugnay sa umano’y new model deal sa Ayungin shoal.

Inihayag din ng ahensiya na ang mga foreign diplomat na accredited sa PH ay binigyan ng kaukulang kalayaan para gawin ang kanilang diplomatikong tungkulin kapalit ng pagsasagawa ng kanilang diplomatic activities nang may mataas na integridad at propesyunalismo para sa common interest at kapwa kapaki-pakinabang na resulta.

Sinabi din ng DFA na bilang isang matatag na nagsusulong ng rules-based governance, nagkakaisa at naninindigan ang gobyeno ng PH sa paggalang at pagpapatibay sa rule of law sa domestic at international man.

Nanawagan din ito sa patalima sa international law kabilang ang UN Charter, Vienna Conventions at 1982 UNCLOS.

Samantala, ipagpapatuloy din ng DFA ang pagtutok sa mga ginagawang pagsisikap nito sa pagsusulong ng kooperasyon o pakikipagtulungan sa lahat ng bansa