-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na masusi nilang minomonitor ang sitwasyon ng ating mga kababayang Pilipino na kasalukuyang nasa Israel sa gitna ng nangyayaring tensiyon sa ilang mga lugar sa naturang bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Philippine Embassies sa TelAviv at sa Amman para manatiling updated sa security situation sa naturang mga lugar gayundin ang seguridad ng mga Pilipinong naninirahan sa Israel partilkular sa Gaza Strip at sa West Bank.

Nauna ng inabisuhan ang nga Pilipino na nasa Israel na iwasan muna na magtungo sa West Bank at ilang mga lugar sa Jerusalem hanggang sa Mayo 3 dahil sa tumitinding tensiyon sa naturang mga lugar.

Pinapayuhan din ang mga Pilipino sundin ang mga abiso mula sa Israel security forces at ng Israel home Front Command at makipagugnayan sa mga awtoridad at Philippine Embassy sa Israel para sa assistance.