-- Advertisements --

Tiniyak ng DFA na kumikilos na sila upang tulungan ang mahigit 50 mga OFW na makauwi ng Pilipinas mula sa Morocco.

Ginawa ni DFA Undersecretary Brigido “Dodo” Dulay ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account matapos na isang May Morre ang nagpapasaklolo kay DFA Sec. Teddy Locsin.

Sinasabi kasi ni Morre na ang DFA na lamang ang kanilang pag-asa para sa repatriation ng mga kababayan.

“Please do not forget the OFWs/tourists in Morocco. You are our only hope. We are 50+ filipinos who desperately need your help. @dododulay I hope you coordinate with the philippines embassy in Morocco to process repatriation flight,” ani Morre sa social media.

Sagot naman ni Usec. Dulay, inaantay lamang nila na matapos ang extended national state of public health emergency ng Moroccan government na magtatapos sa September 10.

“Working on it Ma’am. Moroccan authorities extended the national state of public health emergency until September 10th and imposed travel and border restrictions,” ani Usec. Dulay.