Tinuligsa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang iligal at agresibong aksiyon ng China Coast Guard laban sa mga pwersa ng PIlipinas ng magsagawa ang mga ito ng humanitarian mission sa BRP Sierra Madre, nuong June 17,2024
Ang delikadong hakbang ng China ay nagresulta ng pagka sugat sa pitong navy personnel kung saan isa dito ay naputulan ng daliri at pagkasira ng barko.
Nagpahayag din ng matinding pagkabahala ang DFA sa nasabing insidente.
Binigyang-diin ng DFA na alinsunod sa pangako ng Pilipinas na itaguyod ang kapayapaan, nagsusumikap ang Kagawaran na muling bumuo ng isang magandang kapaligiran para sa pakikipag-usap at konsultasyon sa China hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFAA, hindi ito makakamit kung ang mga salita ng China ay hindi tumutugma sa kanilang mga aksyon sa karagatan.
Umaasa ang DFA na kumilos ang China nang tapat at responsable at iwasan ang pag-uugali na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng mga tauhan at sasakyang-dagat.
Muling inulit ng DAF ang panawagan sa China na sumunod sa international laws, lalo na ang UNCLOS at ang 2016 Arbitral Award, at igalang ang soberanya, mga karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa sariling karagatan nito.