Inalmahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panawagan ng ilang independent United Nations experts na magkaroon ng international inquiry ukol sa estado ng human rights sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ng DFA, ito umano ay isang uri ng panloloko na naglalayong sirain ang domestic processes ng bansa.
“This action indicates the refusal of these parties to engage in true dialogue. By ignoring the accountability and other information provided by the Philippines in good faith, these parties show their bias and political agenda and assail the credibility and objectivity of the human rights mechanisms as constructive platforms of dialogue between the UN and the member states,” saad sa pahayag.
Nitong Biyernes nang himukin ng 11 independent experts ang UN Human Rights Council na maglunsad ng isang imbestigasyon sa anila’y paglala ng human rights sa Pilipinas dahil sa umano’y nakakagulat na bilang ng marahas at hindi makatarungang pagpatay sa mga drug suspects.
Batay sa ulat mula sa mga otoridad, nasa mahigit 5,000 “drug personalities” ang napatay sa mga police operations sa buong bansa.
Una nang tinawag ng Malacañang na isang “intellectually challenged” na hakbang at “outrageous interference” sa polisya ng Pilipinas.
“The Philippines is a democratic nation with strong institutions and the government has an unshakeable determination to promote and protect the human rights of every Filipino,” pahayag pa ng kagawaran.
“We reject this call as it is being made in bad faith by parties who want to undermine domestic processes and spread disinformation, on the basis of one-sided reports coming from questionable sources.”