Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na anumang formal extradition request mula sa Estados Unidos para ma-extradite si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang kinumpirma ni DFA Secretary Enrique Manalo sa pagharap nito sa pagdinig ng Senado hinggil sa umano’y mga pang aabusong kinasasangkutan ng pastor.
Si Quiboloy ay nahaharap sa patong-patong na kaso sa Estados Unidos kabilang na ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children at bulk cash smuggling.
Una nang nag isyu ang US court ng warrant of arrest laban sa kontrobersyal na pastor noong November 2021.
Nahaharap rin ang pastor sa mga kasong child and sexual abuse at qaulified human trafficking sa korte dito sa Pilipinas habang naaresto si Quibiloy ng pulisya noong buwan ng September sa KOJC compound sa Davao City.
Tumanggi namang magkumento ang US Department of Justice sa usapin ng extradition laban sa pastor bilang pagsunod sa kanilang umiiral na pulisiya.