Ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang mga Russian travelers.
Ito ay sa kabila ng patung-patong na sanctions at restriksyon ang ipinataw ng ibang bansa sa Russia nang dahil sa ginagawang pag-atake nito sa Ukraine.
Aminado si Locsin na may ilang nagmumungkahi sa kagawaran na pagbawalan ang pagpasok ng Russian travelers sa bansa ngunit binigyang-diin niya na hinding-hindi ito mangyayari.
Ito aniya ay dahil sa ipinagmamalaking trandisyon na nating mga Pilipino na hindi alam sa ibang lugar: ang pagtanggap sa sinumang nagnanais na bumisita o humingi ng kanlungan sa bansa.
Sinabi rin ng kalihim na tulad nang naging pag-aalok ng Filipino citizenship ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rohingya refugees mula sa Muslim ethnic minority group na galing sa bansang Myanmar ay handa rin aniya itong tanggapin ang mga Ukrainian refugees na biktima ng nagaganap na kaguluhan ngayon sa kanilang bansa.
Samantala, magugunita na noong Pebrero 28 ay naglabas ang pangulo ng executive order na nag-institutionalize ng access sa mga serbisyo ng proteksyon para sa mga refugee, mga taong walang estado, at mga asylum seekers.